Share:

BABAENG MENTAL (Tagalog)

Author Ajeomma

0 read

Isang malagim na gabi ang nasaksihan ng walong taong gulang na paslit sa loob ng sariling tahanan; sa ng silid ng mga magulang. Sa loob ng dresser, nakikita niya at naririnig ang pagsigaw ng kanyang Daddy, ng Mommy, ng Ate at Kuya; umiiyak, nakikiusap at nagmamakaawa. May mga monster!

Pinilit niyang gisingin ang sarili sa inaakalang bangungot na nangyayari, ngunit nabigo siya. Totoo ang lahat at hindi panaginip!

Apat na kakaibang tunog ang kanyang narinig; tunog na hinding-hindi niya malilimutan, ganoon din ang mukha ng anim na halimaw.

Uno, Dos, Tres, Kwatro, Singko at Boss... pangalan ng monsters na hahanapin niya kapag may super powers na siya; kapag malakas na, at kaya nang lumaban.

Binagtas niya ang kahabaan ng kalsada. Hindi alintana ang dilim ng gabi; ang lamig na nanunuot sa kanyang murang katawan dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan at hampas ng hangin. Kailangan niyang makatakas!

Hanggang mapadpad siya sa lugar na ni sa panaginip ay hindi niya akalaing mapupuntahan. Magiging malakas siya, matibay at palaban. Hahanapin niya ang mga monsters at sisingilin sa malaking pagkakautang sa kanya!

Sina Bibeng at Digong, Tiklo at Puyo, ang mga taong magpapalaki sa kanya. Ano ang kapalarang naghihintay sa isang paslit? Malampasan kaya niya ang mga pagsubok na nakatakdang harapin?

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved

Unfold

Tags: ActionMurderRevengeGentleHeiressDramaTragedyTwisted
Latest Updated
CHAPTER 37 - Ang naganap

"MGA INUTIL! Natakasan kayo ng isang babae? Sangkaterba kayong mga gunggong! Ang dami-dami niyo pero hindi niyo nakuha ang babaeng 'yon? Hindi ba't sinabi ko sa inyong maging alerto sa ikikilos ng hepe ng mga guwardiya dahil tauhan niya 'yon? Pero ano ang ginawa niyo, pa-easy-easy? Mga walang silbi!"

"N-nagkagulo ang mga pasyente at nagtak……

Leave a commentComment

    Please to leave a comment.

    Leave a comment