PROLOGUE "Hello, my destiny. Are you ready to have me?" Si Rose Santiago ay isang matatag at matalinong babae. Hinahangaan ng mga kamag-aral dahil bukod sa napakaganda at sexy nitong babae ay palaging nangunguna sa klase. Ngunit sa kabila ng kaniyang mga katangian ay nananatili siyang mahiyain at namimili lamang ng mga kaibigan kung kaya't nagiging tampulan siya ng tukso. Lahat ay gagawin ni Rose para sa kaniyang pamilya kung kaya't hindi niya pinapansin ang mga manliligaw niya. Ang isip niya ay nasa isang direksyon lamang, kailangang makatapos siya ng pag-aaral para maiangat niy sa buhay ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Sa kabilang banda, nananatili lamang si Dave Villaflor na taga-hanga ni Rose Santiago. Hindi niya maaring ligawan ang babaeng matagal nang itinatangi ng kaniyang puso. Mahigpit ang batas ng kanyang daddy. Hindi siya maaring manligaw o tumingin man lang sa ibang babae dahil siya ay pinalaking nakatakda lamang ikasal sa apong babae ng bestfriend ng lolo niya. Simula pagkabata ay kinasusuklaman na ni Dave ang babaeng iyon. Napakaraming bagay ang hindi niya nagawa dahil gusto ni Don Raymundo na walang maipipintas sa kaniya ang pamilya ng matalik na kaibigan ng lolo niya. Pakiramdam ni Dave ay sobrang unfair ng lahat para sa kaniya kung kaya pinaghahandaan niya ang panahon na magkikita sila ng babaeng nakatakda niyang pakasalan at ipaparamdam rito ang lahat ng hirap na dinanas niya. Paano magdudugtong ang mga puso nina Dave at Rose?
PROLOGUE "Hacienda Del Puedo ang inyong Senyorita Hara ay nagbababalik na." Malakas na sigaw ng dalaga. Maraming masasakit na alaala ang Hacienda Del Puedo ngunit buong tapang nang haharapin ni Hara ang kahapon. Sa kaniyang pagbabalik ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Ang pag-ibig ng lalaking ito ay makakatulong nga ba upang mapawi ang masamang alaala ng nakaraan?