Share:

Sexy Seven Series #1: Please, Touch Me

JheangLiit

193625 reads

Nang parehong magkamali sa lalaki ang mommy at ate ni Ballari Rosé Hillario, natakot na siyang magmahal. Inisip niyang ang lahat ng lalaki ay katulad ng mga lalaking dumaan sa buhay ng mga ito. Kaya nagpasya siyang lumayo sa kababata niyang si Andrew San Miguel. Si Andrew na naging karamay niya matapos silang iwan ng daddy niya. Magkapareho kasi sila ng sitwasyon, iniwan naman ang nanay ni Andrew ng nakabuntis ditong espanyol.

Ngunit kahit na pilitin niyang lumayo kay Andrew, pilit din silang pinagtatagpo ng tadhana. Nagkita silang muli sa kolehiyo na naging dahilan para suyuin at akitin siya ni Andrew na noon pa man ay may gusto na pala sa kaniya. Sa paglaon ay bibigay rin siya sa apoy ng pagmamahal at susubukang hawakan ang pagmamahal na ipinangako ni Andrew. Habang tumatagal ang relasyon nila ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman nila sa isa't isa hanggang sa ang pangarap ni Andrew na makapasok sa isang boy group ang sumubok sa relasyon nilang dalawa. Naging madalang ang pagbabonding nilang dalawa, naging mahigpit ang schedule ni Andrew hanggang sa tuluyang nawalan ng oras kay Ballari nang makuha siyang leader ng grupong Sexy Seven. Na naging dahilan upang lumayo muli si Ballari sa kaniya at natakot sa kung ano mangyayari sa oras na ipinagpatuloy pa nila ang relasyon.

Sa takot ni Ballari na maaaring mauwi lang din sa paghihiwalay ang relasyon nila, siya na mismo ang bumitiw at hinayaan si Andrew na abutin ang pangarap niya nang mag-isa. Ngunit kahit ilang taon na ang lumipas, kahit sikat na sikat na si Andrew at marami na ang umiidolo sa kaniya. Kahit si Ballari na mismo ang humiwalay sa kanilang dalawa, hindi pa rin nawala ang pagmamahal ni Andrew sa kaniya. Will Ballari be able to touch Andrew's heart, again?

Unfold

Tags: second chancefriends to loversself-improvedconfidentpopstardramabxgcampusfirst lovelonely
Latest Updated
EPILOGUE: ANDREW SAN MIGUEL.

EPILOGUE: Andrew San Miguel.

NATURAL NA MASUNGIT SIYA. MULA NOON, HANGGANG NGAYON, walang pinagbago. Ngunit kahit na gano'n, I still fell in love with her.

Madalas ko siyang nakakasalubong sa daan, nakakasabay papuntang eskwelahan pero kahit isang beses ay hindi kami nagkausap. Ni hindi kasi tumitingin sa akin, madalas ……

Leave a commentComment

    Please to leave a comment.

    Leave a comment