Patapon. Walang kwenta. Basura. Walang pangarap. Ilan lamang iyan sa mga sinasabi sa kanya ng kaniyang ina. Ilan lamang iyan sa mga naging sanhi nang pag iyak niya. Akala niya lahat na ng luha niya ay nailabas niya na. Hindi niya akalain na may mas lalala pa pala. Isang gabi nang nangyari iyon. Ang pagkamatay nang kanyang ina. Isang gabi nang mabasa niya ang nakasulat sa sahig kung saan namatay ang kanyang ina. 'I'M HIDING WELL AND DEEP.'