Si Julian Pinuela ay nagising na lamang isang araw na siya ay tumungo sa kasalukuyan. Hindi niya halos mapagtanto ang dahilan kung bakit na ang mundo niyang ginagalawan na nasa taong 1995, ay bigla nalang naging 2020. Doon niya nakilala ang isang freelance photographer na si Ashley Guerrerro. Naging magkalapit ang dalawa dahil narin sa kaibigan ni Julian na si Ren. Lumipas pa ang panahon ay nasanay na si Julian sa kanyang buhay, ngunit marami parin ang mga katanungan na nais niyang masagutan. Ang kanyang totoong pagkatao, at ang pamilya niyang naiwan sa panahon nila. Doon naman siya tinulungan ni Ashley, at habang magkasama ang dalawa ay may namumuong pagmamahalan sa kanila. Hindi naman halos mapigilan ni Julian ang pagkahumaling kay Ashley kahit na marami ang mga bagay na kailangan niyang isaalalang-alang. Lumipas naman ang panahon at nagkaroon ng malubhang sakit si Julian. Hindi nila alam kung ano ang gagawin at paano ito ipapagamot. Isang araw nagising nalang si Ashley na wala na sa kanyang tabi si Julian. Paano pa kaya maayos ang kanilang relasyon kung panahon na mismo ang hadlang sa kanilang dalawa?
Cassandra Madeleine is given a chance to live again. She thought that everything is simple until she came back to where she really belong and started to know the truth slowly about her true identity. And now, she must fight for everything that really belongs to her in the first place...even his first love who is the sole reason of her death.
It would take courage and perseverance para maabot ngayon ni Ashara De Guzman ang buhay na kanyang inaasam. She is now one of the most promising actress of the year, and also got into Starlight Entertainment--a very well known agency for producing stars and international actors and actresses. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, inilapit muli siya sa kanyang pinakakinasusuklaman lalaki sa kanyang buhay. Ang kanyang ex-fiancee na si Arturo Lorenzo. Labis na hirap ang naranasan ni Ashara pagkatapos ng malagim na aksidente na nangyari sa kanilang dalawa. Ang buong akala niya ay patay na ang fiancee, ngunit matapos ang ilang buwang pagkawala nito ay nalaman nalang ni Ashara na ikakasal na ito sa ibang babae. The thing is, Art wants her back, and he will do anything to win Ashara back. Tatanggapin pa kaya ulit ni Ashara si Art sa kanyang buhay, o mananatili nalang niya kasusuklaman ang lalaki?
Ang mundo ng Quintiana ay pinamumunuan ng Hari na nagngangalang Kupido. Mayroon siyang mga anghel na gumagabay sa bawat tao sa mundo ng mga mortal. Isa si Cassandra Madeléine sa mga anghel na tagabantay, ngunit dahil siya ay isang halaghag at asiwang anghel kaya nagkaroon siya ng isang misyon na kailangang tapusin sa mundo ng mga mortal. Ipinadala siya ng Hari para matuto at mabatid ang mga kasalanang kanyang nagawa, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na mas marami pa pala siyang malalaman tungkol sa kanyang pagkatao ng makarating siya rito. Nakilala niya doon ang ginagabayang mortal na si Luke Rodriguez. Naging malapit ang dalawa sa isa't-isa, at sa tagal ng pamamalagi niya doon ay marami siyang natuklasan tungkol sa kanyang pagkatao. Maaari bang magbago ang kapalaran ng buhay ni Cassandra dahil sa mga natuklasan niya o kaya naman ay maging dahilan lamang ito upang siya sya mapahamak muli.
Andrea Woo, daughter of a wealthy tycoon runs away because of an arranged marriage. Along her journey, she befriended with a gang of outlaws, and fell in love with Bryan Medina, the mafia prince, only to find out that he is actually the man she was supposedly to marry, who also ran away.
Nagulat nalang si Bella ng makita ang sarili niya na nasa isang kwarto na siya kasama ang isang lalaki na nakahiga. Maya-maya pa ay puma-ibabaw sa kanya ang lalaki sabay halik ng kanyang labi, gusto niyang magpumiglas ngunit hindi niya naman ito magawa dahil marahan siya nitong hinahawakan. Dahil sa sobrang kalasingan ay hinayaan nalang niya na gawin ng lalaki sa kanya ang nais nito. Pagkatapos ng halos isang oras ay halos mandilim ang paningin niya dahil sa pagod, nananakit rin ang baba niya dahil sa nangyari sa kanila. Kinaumagahan ay nagising siya na nasa bisig ng isang lalaki. Dali-dali namang nagpumiglas si Bella dahilan upang magising ito. "Good morning, Bella!" bati sa kanya ng lalaki sabay ngiti. Halos maiyak naman si Bella ng mapagtanto niya ang ginawa. "Jusko, anong ginawa mo Bella!" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Bumangon naman ang lalaki sabay lapit ng mukha niya kay Bella. "I will take full responsibility of what happened to us last night. I will marry you, Bella."
Napilitang magtrabaho si Jazel sa Paradise in the City—isang sikat na club sa Maynila. Lumaking alila si Jazel kasama ang dalawang kapatid kaya gagawin niya ang lahat para maiahon lamang sa kahirapan ang pamilya. Isang araw ay may nag-offer sa kanyang mayamang negosyante upang maging caretaker nito at maging asawa ng kanyang anak na arogante. Ang una namang pumasok sa isip ni Jazel ay pakasalan ang anak nito upang siguradong makapagtapos ang mga kapatid niya sa pag-aaral, pero dumating ang panahon na nahihirapan na siyang pigilan ang nararamdaman niya para sa lalaki. Will she risk her heart for the sake of money or will she let her feelings go deeper and find the true meaning of love within that mansion she is working?