Upang ibigin siya ng babaeng pinakamamahal niya, kailangan niyang patayin ang walong lalaking aakyat ng ligaw, o may lihim na pagtingin dito. At sa walong lalaking iyon ay kailangan niyang kunin at ialay ang walong puso ng mga ito sa diyablo. Tatanggapin kaya ng lalaki ang kondisyong ito? Hahayaan niya bang mabahiran ng kasamaan ang kanyang mga kamay? O susundin ang ninanais ng puso upang mapansin siya ng taong kanyang minamahal? Paano kung ang huling pusong hihilingin ng diyablo sa kanya ay ang mismong puso niya, iaalay pa rin ba niya ito?
Kilala mo ba sila? Narinig mo na ba silang kumanta? Nakita mo na ba ang kanilang mga mukha? Napatigil ka ba nang marinig mo ang mga tinig nila? Halina at magbasa. Dadalhin kita sa Dagat Landia. Mapapakinggan mo na Ang misteryosong boses ng isang Kataw. ... Blurb: Sa pakiusap ng reyna at hari, kinailangang lisanin ni Siri ang Kastilyong Azul upang itakas ang tatlong taong gulang na prinsipeng si Aquarius mula sa mga kamay ni Nympha at unti-unting pag-angkin nito sa kaharian ng Serenadia. Sa tagong isla ay natagpuan naman ni Erielle ang kaniyang kababatang si Aquarius at muling naging malapit ang dalawa sa isa't isa, na kinalaunan ay naging malaking tulong si Erielle upang makontrol ni Aquarius ang napakalakas na kapangyarihang bumabalot sa Rodenit, na iniregalo noon ng ama at lumabas sa palad nito. Ang Rodenit ang naging mitsa din upang lumabas mula sa pagkakakulong ng mahabang panahon si Oktupina at agawin ito upang maging pinakamalakas na reyna ng Serenadia at ng buong karagatan. Upang iligtas ang amang si Aquano, si Sereyna, na kaniyang ina, si Aqua-Sere, na isang dugong, si Erielle, si Siri na nasa ilalim ng kapangyarihang itim ni Oktupina, at bawiin ang buong Serenadia ay kailangang maging isa ang dalawang Rodenit. Magawa kaya niyang kontrolin ang kapangyarihang mayroon ang Rodenit at mailigtas ang kaniyang mga mahal sa buhay at kaharian?
Naimbitahan ang siyam na magkakaibigan sa isang bayan ng Karlez upang magbakasyon ng tatlong araw. Dinala sila ng kilalang kaibigan sa isla na kung tawagin ay Kawa Island. Tahimik at napakaganda ng lugar. Nanari-saring hugis at laki ng kawa ang makikita mo doon. Ika nga, mala-hot spring ito. Ang hindi nila alam ay may dala palang panganib sa islang iyon. Kung ano ito ay malalaman kaya nila? May makakaligtas ba sa kanila kung isa-isa sa kanila ay bigla na lamang mawawala?
Biktima siya ng panggagahasa. Iniwang patay sa isang bakanteng lote. Nabuhay nang hindi nalalaman. Maghihiganti sa ginawang kahayupan. At pagpapaslangin ang mga taong nanggagahasa sa mga mahihinang nilalang.
LOVE ... LUST ... REVENGE ... FORGIVENESS ... ... Simpleng babae at mapagmahal sa magulang. Ganyan ang pagkakakilala kay Carla sa kanilang bayan. Ang mahalaga sa kanya ay masaya siya kasama ng kanyang kinagisnang ama at ina. Subalit, isang trahedya ang magpapabago ng takbo sa kanyang buhay. Wala siyang choice kundi ang manilbihan bilang isang trabahador sa Hacienda Buenviaje. Sa simula ay nakakabagot pero dahil kilala na siya halos ng kanyang mga kababaryo ay unti-unti na niya itong minahal. Hanggang sa makilala niya si Carl. Halos sa Amerika na lumaki si Carl. Bagama't nakukuha niya ang kanyang mga luho, hindi pa rin siya kontento sa buhay. Dumating ang isang balita na kailangan siya ng kanyang lolo Carlito na umuwi upang patakbuhin ang Hacienda Buenviaje. Nakasaad sa last will and testament ng kanyang lolo na siya ang kaisa-isang magmamana nito. Pero ang kapalit ay ang pagiging isang Haciendero upang makuha nito ang simpatiya at loob ng mga taong matagal ng nagtatrabaho. Hindi na sana niya ito tatanggapin pero dahil mahal niya ang kanyang lolo ay kusang loob niyang itinuloy ito. Makikilala niya si Carla, ang babaeng magpapatibok sa kanyang puso pero sisirain ni Soleen. What Soleen wants, Soleen gets! Ito ang tumatak na motto niya sa buhay. Lahat kaya niyang makuha maging ang pinakaguapong nilalang sa buong mundo ay kaya niyang akitin gamit ang kanyang nagbabagang alindog. Hanggang sa makilala niya si Carl. Ang lalaking kababaliwan at pagnanasaan niya ng todo. Nguni't nagkamali siyang makuha si Carl dahil mahal niya si Carla. Sa halip na tumigil ay mas lalong nag-aapoy sa galit ang damdamin ni Soleen. Gagawin niyang pam-blackmail ang natuklasan niya tungkol sa pagkatao ni Carl at mapapasunod niya ito. Saan nga ba hahantong ang mga tagpong ito? Kilalanin natin sila Soleen, Carl, at CARLA!
Isang babaeng pinatay ng walang kalaban-laban. Isang saksi ang nakakita pero nagbulag-bulagan. At nanatiling misteryo ang kanyang pagkamatay. Tatlong taon ang nakalipas, magbabalik siya. Maghihiganti at kukunin ang hustisyang para lamang sa kanya. Sino at ano ang lihim na bumabalot sa likod ng kuwentong Ang Babae sa Laiya?
Kaakit-akit pasyalan ng mga bata. Mga batang mahilig maglaro ng tagu-taguan sa plaza. Mga batang walong taong gulang pataas ang basta na lamang nawawala. Ano ang lihim sa likod ng parke sa kuwentong Ang Plaza Libertad?
She was intrigued and surprised by her daughter's visit and bombarded with a news that she was married for about a year now into an unidentified person. She was hypnotized by his rare looks and a year later she became his wife. His charming looks and youthfulness are his assets. A woman under a spell. A man with a hidden secret. And... A mother who discovers the truth behind her son in-law's secret.
Nasaksihan niya ang ups and downs ng kaniyang mga kapatid na nakatatanda sa kaniya na sina Prince at Angelo. Naroon siya sa bawat masasakit at masasayang pangyayari sa kanilang mga buhay. At bilang bunso, oras naman na buhay naman niya ang paglaanan ng oras niya.
Isang kulay rosas na bahay sa isang bayan. Limang magkakaibigan ang mapapadpad sa mismong bahay. Makakapasok sa loob nang hindi nila namalayan. Tatlong babae at dalawang lalaki ang makakatuklas sa lihim ng bahay. At nang matuklasan ang misteryo sa loob, buhay pala nila ang magiging kabayaran. Sino ang makaliligtas? Sino naman ang mamamatay?
Once upon a time, there was an ugly princess living in a mansion full of chambermaids and butlers. Whenever she calls her servants, they would always bow their heads and close their eyes. They are not allowed to see her face. When someone looks at her without her permission, she will immediately banish them—not to return to her mansion ever again. Then, a man secretly murdered all the servants she banished and framed Amberlene by putting the blame on her. Without her knowing, she became the target and the main culprit of the authorities. To clear her name, she must escape and find out the truth behind the murders... alone. While trying to get away from her mansion, she met one of her butlers along the way. She ended up falling in love with the person she only knew once in her entire life. She does not know that her former butler has been keeping a secret which was related to the murders she's currently investigating and only Amberlene can unveil the truth behind it. Will she be able to find out the secret behind the death of her servants and prove her innocence? What if the man she's tied up with was the suspect and she was his next target? Will she be able to solve the mystery and escape from the hands of her beloved butler? and punished not to return to her mansion ever again.
Minahal ko siya nang buong-buo. Ngunit, hindi pala buo ang pagmamahal niya sa akin. That's why I'm letting her go. Akala ko ganoon na lang kadaling kalimutan siya. Pero... Hindi pala dahil sa puso ko ay nag-iisa siya. She is and SHE was my FIRST and LAST.
(A sequel of The Secret Husband) A man who lost his memory became a husband to a stranger saviour. A woman who's contented with her life and family, yet still remember her painful past on her beloved first love, his deceased ex-husband. A heir, a mother, and a wife. A lost prince of a conglomerate empire. What will happen if they accidentally saw each other in the same place at the wrong time? Will he remember his past and seek revenge on her? Will she introduce herself to him as her ex-wife and get back together again? Let's find out as we discover The Husband's Darkest Secrets.
Ang nais lamang niya ay makasama nang matagal sa mundo ang kaniyang ina. At upang maisakatuparan ito ay kailangan niya ang tulong ng isang misteryosong nilalang. Tutuparin lamang nito ang kahilingan niya kung iguguhit niya ang bawat imahe ng mga taong sabik sa namatay nilang mga mahal sa buhay. Sa bawat ipipintang larawan ng mga ito ay buhay naman nila pala ang magiging kabayaran. ... Halos gumuho ang mundo ni Danilo nang masilayan ang duguang bangkay ng ina sa loob ng kuwarto nito. Nawawala rin ang larawan ng kaniyang amang ipinaguhit ng kaniyang ina sa malaking mansyon sa kanilang bayan. Kaya naisumpa ng binata sa bangkay ng yumaong ina na maghihiganti siya at aalamin niya ang katotohanan sa likod ng mga obrang iyon. Lumipas ang mahigit sampung taon ay isang exhibit sa Makati ang inilunsad sa publiko ng isang hindi kilalang pintor. At upang matiyak na ito na nga ang pintor na hinahanap niya, sinadya ni Danilo na dumalo upang makita ang mga exhibits nito. Matutuklasan na nga ba niya ang lihim sa likod ng mga obra sa exhibit na iyon? Paano kung sa pagkakatuklas niyang iyon ay buhay naman niya ang magiging kapalit? Handa ba siyang suungin ito at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang ina?
Wala nang mahihiling pa si Maira. Nasa kaniya na ang lahat ng K -- karangyaan, kasikatan, at kagandahan. Kaya mahal na mahal niya ang asawa. Pero higit sa karangyaang tinatamasa niya ay may hinahanap pa rin siya at ito ay hindi naibibigay ng kaniyang legal na asawa. At isang kasalanan ang hindi niya akalang magagawa niya. Businessman, business minded, a lucky guy. Ganiyang kong i-describe ng conglomerate niya si Vhenjamin, na kasalukuyang CEO ng Cuneta Empire. Napakasuwerte rin siya sa babaeng pinakasalan niyang si Maira. Kaya naman, halos ibinuhos na niya ang sarili sa pagtatrabaho. Ang hindi niya alam, may itinatago palang sikreto ang kaniyang mahal na asawa. Brusko. Well-built ang physique. Nakatago sa kaniyang hapit na hapit na mga damit ang angking kakisigan at nagmumurang six pack abs. Laki sa hirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Iyan si Leon. Kaya napilitan siyang pumasok bilang hardinero sa isang mansyon. Ang buong akala niya ay mga bulaklak, halaman, at mga damo lang ang kaniyang aalagaan. Sinong mag-aakalang magugustuhan siya ng among babae at gagawing kaniyang Secret Husband? Isang naghahanap ng pupuno sa kaniyang kakulangan. Isang walang kaalam-alam sa kamunduhan ng asawa. At isang may itinatagong lihim sa likod ng pagiging isang Secret Husband.
Isang panaginip mula sa nakaraan ang babago sa pananaw ni Emmanuel Ayala hinggil sa tunay na kahulugan ng pag-ibig sa kasalukuyang mga robots na ang nagiging kapareha ng mga tao. Dahil naniniwala pa rin siya sa tunay na pag-ibig ay naimbento niya ng palihim ang isang kard na pinangalanan niyang The Ring of Love. Ang kard ay inimbento para sa isang layunin lamang at ito ay ang maghanap ng totoong taong magpapatibok sa puso ninuman. Magtagumpay kaya si Emmanuel sa kaniyang imbensyon o magdadala lamang pala ito ng kapahamakan sa kaniyang buhay at pamilya? Paano kung ang mismong kard number 65 na Ring of Love ay totoo at nakatakda palang bihagin ang puso ng lumikha nito at proteksyunan sa masasamang mga tao? Magawa kaya ng kard na paibigin si Emmanuel?
Sa pagsusulat at pagta-travel umiikot ang buhay ni Rara. She's an aspiring writer na ang tanging alam isulat ay katatakutan at panggugulat. Sa madaling salita, Horror aspiring writer siya. She's also a wanderer who loves to explore nature. At nang magkaroon nga siya ng oportunidad na maging writer ng isang sikat na publishing house, sumubok siyang mag-aplay pero nadismaya nang malamang wala ng slots for a Horror writer. But, an offer she can't refuse is given in front of her and that is to become an Erotic Romance writer with an all expense paid sa kahit saang lugar siya nais magpunta makasulat lang ng isang erotic romance na hate na hate niya. Ruru is already contented with his life as a caveman and a retired businessman at the age of 35 na mas piniling manirahan sa isang secluded, remote, and quiet place somewhere in Isla Higante. But, he is still lacking one thing in his life and that is Love. Sa loob ng mahigit tatlong dekada ng kaniyang buhay, never pa siya na-in love ng todo. Then, one woman accidentally explore and found out his hiding place. Ruru must learn from Rara to awaken his wildest escape in order to love her back. Rara must learn from Ruru to unleash her romantic side and be able to write a best seller erotic romance. Will Rara be able to explore Ruru's pursuit on her or Rara will immediately dive into Ruru's Bachelor imperfection and fall in love with him? Explore and dive into the wildest once in a lifetime romance of two strangers in the heart of Carles entitled Exploring Me, Diving You.
He was a rich young man at the age of 20 and the only son from his family. He was 15 years old when his mother died in a car accident. Two years later, his father was killed in an ambush. He was the only one left. Then, all of his parents wealth was given to him. The two mansions, three farms, three cars, one condo business, and a bar of his own. He took care of everything. He let all those businesses prosper. Then all of a sudden, this young man named July decided to commit suicide... Will he realized that what he did was wrong and he has only 7 days to live? What will happen when he searches for answers, he found a girl that would change his outlook in life?
Sa Irina Arena, minasaker ni Damion Kill ang lahat ng mga spectators at isa na roon si Dmitri, na inutusan niyang paslangin ang natitirang pamilya ng namatay na si Juan Miguel Angelo. Hindi pumayag si Dmitri, na kanang kamay pa nang mga sandaling iyon ni Damion Kill. Nakaligtas si Dmitri sa masaker na iyon sa Irina Arena at isang misteryosong nilalang ang tumulong sa kanya at dinala ito sa Kabisayaan ng Oksidental. Dahil isa siyang siyentipiko, lumitaw sa panaginip niya ang diyosa ng kalikasan na si Reyna Lualhati at sinabihang magmumula sa kanyang lahi ang tagapagligtas. Kailangan din niyang hanapin ang lima pa sa magigiting na mga kabataang tutulong sa kanyang anak na tatawagin niya sa pangalang Wyatt.
Saavedra Brothers presents My Eyes Can't See, My Heart Says You. The Angelo Saavedra's Love Story Nahiwalay sa tunay na magulang nang ako ay musmos pa lamang. Lumaki sa poder ng mababait na mga Martinez. Pinag-aral hanggang sa makatapos nang elementarya, hayskul at kolehiyo. Nawalan ng foster parents pero hindi ipinagkait ang tunay kong pinagmulan. Nakatagpo ng babaeng minahal ko nang buong-buo hanggang sa nagkaalaman at ang tunay niyang minahal ay ang aking kakambal na si Prince. Natagpuan ang sarili sa dalawang magkaibang trahedya. Pinili ang magsakripisyo para sa kapakanan ng aking Kuya at hinayaan ang taong minahal sa taong gusto niya. Ang pinakamalaking sakripisyo ko? Ang ibigay ang dalawang mata ko sa kakambal ko na siyang naging liwanag sa makulay at masayang pagmamahalan ng taong noon ay minahal ko rin at ngayon ay asawa na ng kapatid ko - si Charie Dimla. Magkagayunpaman ay wala akong pinagsisihan. Mas lalo akong minahal ng mga tunay kong magulang at kapatid maging ang babaeng aking naging pag-ibig noon. Ngunit hindi na ngayon. Oo, bulag na ako! At hinihiling kong sana ay makatagpo rin ako ng babaeng tatanggapin kung sino ako noon at kung ano na ako ngayon. Then, one day... when MY EYES CANNOT SEE, I heard her voice and MY HEART SAYS ITS HER. Kaya kaya niyang ibigin ang isang bulag na katulad ko? Ako si Angelo at ito ang aking kuwento.