People come and go. May mawawala at meron din darating. Yung buong akala natin ay sya na hanggang sa huli pero totoo pala na kahit mahal nyo ang isa't kapag hindi kayo ang itinadhana ay Diyos na ang gagawa para hindi kayo magkatuluyan. May kusa syang ibibigay na talagang nakalaan para sayo. Pero bakit dun pa sa puntong sobrang saya na natin? I've been there, akala ko ay sya na. Pero paghihiwalayin parin pala kami dahil sa isang trahedya. May darating pero sino sa kanilang dalawa? Ang taong matagal na palang may lihim na pagtinginl sa akin o ang taong kamukha kamukha ng taong minahal ko?
Labag man sa kalooban ko ngunit kailangan kong gawin ito upang mahanap ko ang taong kumitil sa buhay ng kapatid ko. Gabriel De Leon. Ang pangalang tumatak sa isipan ko. Sya ang primary suspek na pumatay sa Ate Margareth ko. Isang waiter ang ate ko sa isang high class na Bar dito sa Maynila na tanging mayayaman lang ang maaaring makapasok sa loob. Dalawa lang kaming magkapatid at hindi ko hahayaan na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya. Para mabigyan ko sya ng hustisya kinakailangan ko pang gawin ang mga bagay na labag sa aking kalooban. Pero sa gagawin kong ito sisiguraduhin kong babagsak sa mga kamay ko Ang Gabriel na iyan. But revenge gone wrong! at nagkapalit kami ng sitwasyon. Mangyari din kaya sa akin ang nangyari sa kapatid ko?
Nagsimula ang lahat sa simpleng biruan na naging totohanan. High School student sya. I think nasa third year high school palang sya nun. Ako naman ay kasalukuyang may trabaho na. 4 years age gap. Tuwing makikita nya ako palagi nya akong inaasar na wala daw akong ligo ligo dahil tuwing makikita nya ako yun parin ang damit na suot. Tinatawanan ko lang sya nun. Hanggang sa isang di inaasahan na pangyayari. Sa kanila ako pinatira ng kapatid nyang babae. Dun na nagsimula ang lahat at mas lalo pa kami napalapit sa isa't isa. Pag aalis ako ng bahay susunduin nya ako kaagad kahit nasaang lupalop pa ako. Tapos pag uuwi naman sya galing sa eskwelahan nya susunduin nya kagad ako. Ewan ko ba kung bakit sumusunod ako sa mga gusto nya. Hanggang sa isang araw sinabi nyang kami na. At pumayag naman ako? hindi rin ako makapaniwala kung pano naging kami.